
Isang must-see romantic comedy na naman ang hatid ng GTV ngayong weekend.
Huwag palampasin ang tambalan nina actress and singer Sarah Geronimo at leading man Gerald Anderson sa Won't Last a Day Without You.
Gaganap dito si Sarah bilang DJ Heidee, host ng isang radio show na nagbibigay ng love advice.
Pinayuhan niya ang caller na si Melissa, played by beauty queen and actress Megan Young, kung paano makipag-break sa boyfriend nito.
Sakto namang nakikinig ang boyfriend na si Andrew, karakter ni Gerald, at sisisihin niya si DJ Heidee sa paghihiwalay nila ni Melissa.
Para maiwasang idemanda siya ni Andrew, tutulungan ni DJ Heidee ang lalaki na makipagbalikan kay Melissa. Pero bakit parang sina DJ Heidee at Andrew pa yata ang magiging close?
Abangan 'yan sa Won't Last a Day Without You, July 30, 9:30 p.m. sa G! Flicks.
Para naman sa mahilig sa creature features, nariyan ang Mega Piranha, July 30, 1:30 p.m. sa Siesta Feista Movies; at Crocodile, July 31, 9:45 p.m. sa The Big Picture.
Panoorin ang mga pelikulang 'yan at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.