GMA Logo Mulawin: The Movie
What's on TV

'Mulawin: The Movie' starring Richard Gutierrez at Angel Locsin, tampok sa GTV ngayong weekend

By Marah Ruiz
Published August 4, 2022 7:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Filipino teachers face visa delays as US expands social media checks
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust

Article Inside Page


Showbiz News

Mulawin: The Movie


Kabilang ang 'Mulawin: The Movie' starring Richard Gutierrez at Angel Locsin sa mga pelikulang mapapanood sa GTV ngayong weekend.

Isang treat para sa telefantasya fans ang hatid ng GTV ngayong weekend.

Mapapanood kasi ang box office hit film na Mulawin: The Movie, ang pagpapatuloy ng kuwento ng iconic GMA telefantasya na Mulawin.

Sa pelikula, naghahanda na para sa tahimik na buhay sina Aguiluz (Richard Gutierrez) at Alwina (Angel Locsin) nang abutan ng malakas na bagyo ang sinasakyan nilang bangka.

Magkakahiwalay sina Aguiluz at Alwina at mawawala pa ang kanilang mga alaala.

Samantala, bubuhayin ni Sang'gre Pirena (Sunshine Dizon) si Haring Ravenum kaya manganganib muli ang mga Mulawin.

Paano sila lalaban ngayong nawawala ang mga pinakamagigiting nilang mandirigma na sina Aguiluz at Alwina?

Official entry din ang Mulawin: The Movie sa 2005 Metro Manila Film Festival.

Huwag palampasin ang Mulawin: The Movie sa August 7, 12:00 p.m. sa Sine Date Weekend.

Isa pang pelikula ni Richard Gutierrez ang dapat abangan--ang For the First Time kung saan nakatambal niya si KC Concepcion.

Gaganap si Richard dito bilang si Seth, isang mayamang playboy na laging tinatakbuhan ang kanyang mga nakakarelasyon. Si KC naman ang conservative na si Sophia na makikilala ni Seth sa Santorini, Greece.

Tatakbuhan din ni Seth si Sophia, pero mare-realize niya na mahal talaga niya ito. Babalik siya ng Pilipinas para humingi ng tawag at makuha muli ang loob ni Sophia.

Dapat bang bigyan ni Sophia ng second chance si Seth?


Abangan 'yan sa For the First Time, August 6, 9:30 p.m. sa G! FLicks.

Panoorin ang mga pelikulang 'yan at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.