GMA Logo Choi Woo-sik and Uee
What's on TV

Korean romcom drama series na 'Hogu's Love,' mapapanood na sa GTV

By EJ Chua
Published December 19, 2022 6:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kenneth Llover stops Chinese foe, retains OPBF crown
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Choi Woo-sik and Uee


K-Drama fans, humanda na sa panibagong seryeng ihahandog ng GTV!


Isang Korean romcom drama series ang regalo ng GTV para sa mga manonood ngayong holiday season!

Ito ay ang Hogu's Love, ang seryeng ipinalabas sa Korea noong taong 2015, na pinagbidahan ng Korean stars na sina Choi Woo-shik at Uee.

Si Choi Woo-sik ay mapapanood dito bilang si Hogu at si Uee naman ay makikila sa serye bilang si Dorothy.

Iikot ang istorya nito sa buhay ni Hogu, ang lalaking laging pinapaasa at ginagamit ng mga babae sa kaniyang paligid, in short, laging bigo sa pag-ibig.

Si Dorothy naman ay ang award-winning swimmer ngunit masikretong babae na teenage crush ni Hogu.

Dahil gusto ni Hogu na makita ulit si Dorothy, hindi siya magdadalawang isip na pumunta sa kanilang high school reunion.

Kilala pa kaya siya ni Dorothy?

Kaabang-abang kung ano ang mangyayari sa muling pagtatagpo nina Hogu at Dorothy?

Sabay-sabay nating abangan ang napakagandang istorya ng Hogu's Love, malapit nang ipalabas dito lamang sa GTV.

Abangan ang Hogu's Love at panoorin ang iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.

KILALANIN ANG KOREAN ACTRESS NA SI JUNG HO-YEON SA GALLERY SA IBABA: