GMA Logo Legend of the Naga Pearls
What's on TV

Chinese fantasy adventure film na 'Legend of the Naga Pearls,' tampok sa GTV ngayong weekend

Published December 29, 2022 3:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

City nabs suspects in anti-mendicancy poster vandalism
Angelina Jolie, ipinakita ang pilat mula sa kaniyang operasyon sa dibdib na mastectomy noong 2013
MPTC waives toll fees on its expressways on Christmas Eve, New Year's Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Legend of the Naga Pearls


Kabilang ang Chinese fantasy adventure film na 'Legend of the Naga Pearls' sa mga pelikulang inihanda ng GTV ngayong weekend.

Exciting ang pagbubukas ng 2023 ngayong weekend kasama ang mga pelikulang inihanda ng GTV.

Una na riyan ang Chinese fantasy adventure film na Legend of the Naga Pearlstampok ang heartthrob na si Darren Wang.

Kuwento ito ng misteryosong mga perlas na may kapangyarihang sumira ng buong mundo. Sino ang mauunang makakuha ng mga ito--ang Winged Tribe or ang Human Tribe?

Abangan ang Legend of the Naga Pearls, December 31, 1:30 p.m. sa Siesta Fiesta Movies.

Huwag ding palampasin ang action-adventure movie na Shark Attack 3: Megalodon.



Dalawang scientists ang makakahanap ng ipin ng prehistoric shark na kung tawagin ay Megalodon sa Mexico. Magkakatotoo din ang kanilang pangamba dahil hindi pa pala ito tuluyang extinct!

Paano matatapos ang pagre-repair ng isang mahalagang underwater cable kung inaatake ng megalodon ang mga trabahador dito?

Abangan 'yan sa Shark Attack 3: Megalodon, January 1, 10:15 p.m. sa The Big Picture.

Panoorin ang mga pelikulang 'yan at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.