
May masamang elementong nagpaparamdam kay Naomi (Kris Bernal) kaya naman ayaw niyang nalalayo sa boyfriend niyang si Matteo (Rayver Cruz) dahil natatahimik ang kanyang loob sa tuwing kasama siya. Ngunit hindi alam ni Naomi na nasasakal na pala si Matteo sa kanyang pagka-clingy at hindi pa rin malimutan ni Matteo ang kanyang ex na si Yvie (Megan Young) na kabaligtaran ni Naomi.
Ano kaya ang mangyayari kay Naomi kapag hiniwalayan na siya ni Matteo?
Panoorin ang nakakikilabot ng kwento ng pag-ibig at pagseselos sa Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.