
Nagbigay ng payo ang young Kapuso star na si Sofia Pablo sa mga tulad niyang nag-aaral ngayong quarantine.
Ayon kay Sofia, importanteng magsipag sa pag-aaral para sa mas magandang kinabukasan.
Ito ang kanyang ibinahagi nang hingan siya ng kanyang fan ng payo sa Hangout ngayong May 25.
Photo source: Hangout
"Lagi n'yo lang sisipagan, and lagi ninyong isipin na hindi naman ito trip lang."
Dugtong pa ng aktres, "Hindi naman ito wala lang kasi magagamit n'yo rin ito in the future."
Para kay Sofia, kapag makapagtapos ng pag-aaral ay magkakaroon ng magandang future ang mga mag-aaral at kanilang pamilya.
Saad niya, "It's for you and your family.
"Darating 'yung araw na kayo na rin ang mag-aalaga sa parents n'yo so you always have to study hard para mabigyan n'yo rin sila ng happy life kapag matanda na kayo."
Paliwanag pa niya, ito ang magandang paraan na nakikita niya para makabawi sa mga magulang na nagbigay suporta sa kanilang mga anak sa mahabang panahon.
"Para sa akin 'yun na 'yung way para makabawi kayo sa mga taon na inaalagaan nila tayo."
Panoorin ang online bonding ni Sofia kasama ang kanyang fans sa Hangout.
Tingnan naman ang retro-themed photoshoot ni Sofia para sa kaniyang 15th birthday: