
Isang fan ang nagtanong kay Kapuso artist Matt Lozano tungkol sa kung ano o sino ang naging inspirasyon niya para sa bagong kantang “Walang Pipigil”.
Ito ay sinagot ni Matt sa bagong episode ng Hangout na umere nitong September 21.
Photo courtesy: GMA Artist Center (Youtube Channel)
“Actually yung bagong single ko yung “Walang Pipigil", I wrote that song 10 years ago and it's about my childhood sweetheart,” sagot ng aktor.
Natanong din kay Matt kung paano niya na-babalanse ang kanyang oras bilang isang aktor at singer.
Ayon sa aktor, “Hirap talaga ako sa time management. Sa sobrang dami kong gustong gawin sa buhay, minsan nahihirapan ako i-manage yung time ko.
“But ngayon, natutunan ko lang na kailangan ko tapusin muna 'yung isang bagay na kailagan ko gawin today bago ako lumipat sa iba. So ganon ang ginagawa ko ngayon.
“For example, today mag-rerecording ako for a single, tatapusin ko muna lahat 'yon. Tapos kapag may free time pa ako sa araw na 'yon, doon ko ngayon ipapasok 'yung susunod ko pang gagawin.”
Ayon kay Matt, mahilig daw siya sa underrated artists at iniidolo nito sina Allen Stone, Gary Clark Jr. and John Mayer. Samantala, si Jay Durias naman ang kanyang iniidolo na local singer.
Panoorin ang nakatutuwang episode ng Hangout sa video sa itaas.
Samantala, kilalanin pa nang mabuti si Matt Lozano sa gallery na ito: