Stunning leading ladies na nagpakilig kay Julian sa 'Happy ToGetHer'

Linggo-linggong sinusubaybayan ng mga manonood ang adventure ni Julian sa hit sitcom na 'Happy ToGetHer,' at lahat ay nakaabang kung kanino siya nakatakda.
Matapos sila maghiwalay ng ex-wife niyang si Rachel, ilang magaganda at nagse-seksihang babae na ang kaniyang na-meet at posibleng maging true love niya.
Bago ang pagtatapos ng well-loved comedy sitcom sa August 6, balikan ang ilan sa mga A-list and stunning leading ladies na nakasama ng seasoned TV and movie actor na si John Lloyd Cruz sa programa.
Kung kayo ang papipiliin, sino sa kanila ang bet n'yo na makatuluyan ni Julian?














