What's on TV

John Lloyd Cruz on doing sitcom in GMA-7: "Ito 'yung tamang panahon, tamang oras na nandito ako."

By Aedrianne Acar
Published December 10, 2021 7:19 PM PHT
Updated December 13, 2021 12:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 19, 2025
Davao City expands incentives to attract more investors
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

John Lloyd Cruz in Wowowin


Eksklusibong naka-panayam ng 'Wowowin' host na si Willie Revillame ang multi-awarded actor na si John Lloyd Cruz ngayong Biyernes (December 10). Ano ang pakiramdam ni John Lloyd nang unang pumunta sa GMA Network?

Ramdam ang excitement sa episode ng high-rating Kapuso game show na Wowowin ngayong Biyernes (December 10), dahil special guest ni Willie Revillame ang award-winning actor na si John Lloyd Cruz.

Matatandaan na noong Nobyembre, pumirma ng partnership ang TV and movie star para sa isang malaking project with GMA-7.

Tinanong ni Kuya Willie si John Lloyd kung ano ang pakiramdam niya noong first-time niyang makapunta sa GMA Network.

Pagbabalik-tanaw niya, “Para siyang finally nabuo na.”

Pagpapatuloy ng TV idol, “Kasi dati na-meet ko rin sila. Dati muntik akong makatapak dito, hindi lang nagkatuluyan. Pero ngayon, sabi nga ni Ma'am Annette [Gozon-Valdes] parang finally, it took us, how long, 20 years, dalawampung taon para talagang matuloy 'to.

“And tingin ko ito 'yung tamang panahon, tamang oras na nandito ako.”

John Lloyd Cruz on Wowowin

Source: GMA Network/ Wowowin

Naikuwento rin ni John Lloyd kay Kuya Willie ang naging panayam niya kay Jessica Soho, kung saan binigyan linaw niya kung bakit pansamantala siyang nagpahinga sa showbusiness nang mahigit na apat na taon.

Kuwento ng magaling na aktor, “Ang sinabi ko sa kanya I wanted to be kind to myself again. Siguro dahil, hindi ko na maunawaan kung ano 'yung mga ginagawa ko, parang nawawala 'yung direksyon. Hindi mo na hawak 'yung mga nangyayari sa bawat araw na sinasabuhay mo.

“Parang nawala 'yung hawak mo.”

Dagdag niya, “Masakit man sabihin, pero hindi ko na maramdaman 'yung growth noon. Kaya, siguro natural lang para sa isang katulad ko na hanapin 'yun at trabahuhin para marating ko 'yun.”

Tanong uli ni Willie kung nakita na ba niya ang hinahanap niya sa pagbabalik niya ngayong taon. Tugon ni John Lloyd, “Tingin ko Kuya Wil para siyang laging work in progress 'di ba?

“Patuloy mo siya tatrabahuhin sa araw-araw na ginagawa mo. So, dapat hindi ka tumigil. Kasi 'pag tumigil ka mai-i-stuck ka.”

Kinuha rin ng Happy ToGetHer lead star ang pagkakataon na pasalamatan ang Kapuso host sa binigay na kumpiyansa nito nang nag-perform siya noong Hulyo para sa Shopee Mid-Year Sale TV Special.

Pasasalamat ni John Lloyd kay Willie, “Siyempre 'yung mga ganun pagkakataon kung hindi dahil sa'yo hindi lalakas loob ko.

“Kung hindi dahil kay Direk Bobot hindi mabubuo 'yung kumpiyansa na bumalik. Kung hindi dahil sa pamilya nabuo namin ni Direk Bobot hindi mabubuo 'yung nag-udyok sa akin na bumalik at magtabaho ulit.”

Abangan ang pagbabalik ng one and only John Lloyd Cruz on TV via his sitcom Happy ToGetHer coming soon!

Stay updated with the latest information about Happy ToGetHer by visiting GMANetwork.com or by following all its official social media pages below!

FB: https://www.facebook.com/HappyTogetherGMA

Instagram: https://www.instagram.com/happytogethergma

Twitter: https://twitter.com/HTGHonGMA

Related content:

GMA Network and John Lloyd Cruz ink partnership for a big project