TV

Jenzel Angeles, nagulat nang malamang makakasama sa 'Happy ToGetHer'

By Aedrianne Acar

Big surprise bago matapos ang 2021 nang malaman ni Jenzel Angeles na mapapasama siya sa Happy ToGetHer, ang pinakaaabangang project ng award-winning TV idol na si John Lloyd Cruz sa GMA Network.

Gaganap si Jenzel bilang Rocky, ang maganda at medyo mataray na clerk sa isang convenience store.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa GMA Artist Center talent, umamin ito na “unexpected” na mapasama siya sa show na gagawin ni John Lloyd with GMA-7.

Paglalahad niya, “Noong una nagulat ako kasi 'yung audition na 'yun medyo biglaan kasi galing ako First Yaya, so nag-iintay talaga kami kung kasama ako sa First Lady. So, nung nalaman ng handler ko na hindi na, tinary namin na audition tayo Happy To Get Her, ganyan. Kaya hindi ko ine-expect talaga kasi biglaan lang.”

Dagdag ni Jenzel, “Nag-aabang din ako ng regular show, 'tapos ito pa 'yung naibigay sa akin na sitcom, e, matagal 'pag sitcom 'di ba? So, 'yun sobrang nagulat ako, tsaka natuwa naman ako ng sobra.”

Wala rin itulak-kabigin si Jenzel sa bida ng programa na si John Lloyd at kanilang director na si Direk Edgar Mortiz.

Gaganap si John Lloyd bilang si Julian, na isang mekaniko at single daddy na certified heartthrob.

Kuwento ni Jenzel sa naging experience niya kasama ang matinee idol, “Sobrang bait ni JLC, sobrang bait ni John Lloyd. Noong una nahihiya pa ako kasi parang first-time ko sila maka-work lahat, even si Ashley [Rivera] na taga GMA naman so medyo nangangapa ako, even 'yung sa mga staff.

“Pero sobrang ang bait ni JLC, pinapa-feel nila na welcome kami nila Direk Bobot [Mortiz], ganyan. Very professional din 'yung mga kasama naming artista, kaya ang bilis lang mag-work kasi mababait lahat ng tao, parang siguro nakatulong din na dahil lock-in taping siya para mas nag-bond talaga kami, kasi apat na buong araw kami magkakasama , 'tapos sobra 'yung mga kuwentuhan,”

“Si John Lloyd kahit busy siya 'pag may free time siya nakikisama siya. Nakikipagkuwentuhan siya sa amin, ayun so parang mabilis na 'yung chemistry nung team 'pag nagsho-shoot kasi medyo close na rin kami kahit outside the scene, e.” ani Jenzel.

Source: GMA Network

Stay updated tungkol sa Happy ToGetHer sa GMANetwork.com at sa official social media pages ng programa:

Facebook: www.facebook.com/HappyTogetherGMA
Instagram: www.instagram.com/happytogethergma
Twitter: www.twitter.com/HTGHonGMA