
Bakas sa boses ng former Goin Bulilit talent na si Miles Ocampo ang excitement na kasama siya sa big project ni John Lloyd Cruz sa GMA-7 na Happy ToGetHer.
Ipo-portray ni Miles ang karakter ni Liz na anak naman ni Nanay Pining (Carmi Martin) sa big comeback project ni John Lloyd.
Sa panayam sa kanya ng GMANetwork.com sa idinaos na online media conference noong Biyernes ng hapon, December 17, sinabi nito na nakakataba ng puso na mas lumaki ang kanyang pamilya at ngayon ay makakatrabaho na niya ang ilan sa Kapuso stars tulad nila Ashley Rivera at Jenzel Angeles.
Ani Miles, “Sabi ko nga po kanina tulad ng sinabi po ni Kuya Lloydie ang saya, kasi nabuo uli 'yung pamilya namin at nagkaroon kami ng bagong bahay para mapagpatuloy 'yung samahan namin. And of course, sobrang saya na nadagdagan 'yung pamilya namin.”
Napansin din ng Happy ToGetHer actress na maganda ang chemistry ng buong cast, kahit nasa second cycle pa lamang sila ng lock-in taping.
Paliwanag ng dalaga, “And 'yung parang samahan namin ngayon, nasa second cycle na po kami ng shoot namin, parang ilan buwan na kami magkakasama. Ilang years na kasi ganoon na naging buo 'yung grupo namin, kaya sobrang suwerte rin namin, kasi lahat ng nasa grupo namin nagtutulungan talaga at pamilya talaga 'yung turing namin.”
Source: GMA Network
Ganoon din ang pananaw ng comedian na si Jayson Gainza sa bumubuo ng kanilang sitcom.
Pabirong sinabi nito sa press, “Okey naman kahit nabu-bully nila ako, tapos medyo mataray. Kumbaga nao-overcome ko naman 'yun, tapos after a few days nagiging mabait na sila sa akin, joke-joke lang.”
Ibinahagi rin niya nang makilala niya sa set ang iniidolo niyang TikTok star na si Ashley.
Pagbabalik-tanaw ni Jayson, “Ang maganda sa amin kasi nagi-script reading kami, batian at kamustahan.
“Kasi si Ashley kasi nakikita ko na sa TikTok, ang sabi ko 'Idol na idol kita, ano Ashley, pero walang pagnanasa, pero idol lang kita.'
“Tapos 'yun tawa lang siya ng tawa,”
Dagdag ng aktor na gaganap na Mike sa sitcom, “Tapos nung nagsasama na kami, ang sarap din kasi sabi nga namin ito na rin 'yung pagkakataon na magkasama 'yung ibang network sa ibang network na masaya naman.
“Tapos, meron pang wall mga first day, second day nagba-bonding na kami, tapos nitong second cycle na makukulit na kami. Nagkukulitan na, masaya at sana magtuluy-tuloy pa rin, kasi nga lumalalim nang lumalalim pa. Tapos may grupo na kami sa Viber ganyan kaya maganda [thumbs up].”
Matapos mag-celebrate ng Pasko, tumutok sa world premiere ng Happy ToGetHer sa panalong Sunday Grande sa Gabi this coming December 26.
Check out some of the behind-the-scenes photos of Happy ToGetHer in this gallery.