GMA Logo carmi martin and ashley rivera
What's on TV

Carmi Martin sees herself in Ashley Rivera:  'Parang young Carmi Martin'

By Aedrianne Acar
Published December 21, 2021 1:15 PM PHT
Updated December 24, 2021 11:38 AM PHT

Around GMA

Around GMA

2 persons hit by stray bullets in Iloilo, Bacolod
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

carmi martin and ashley rivera


Mama A in 'Ismol Family' to Nanay Pining in 'Happy ToGetHer this 2021, abangan ang pagbabalik ni Carmi Martin sa GMA Network.

Kita ng kilalang comedy actress na si Carmi Martin ang malaking potential ng Kapuso comedienne at TikTok star na si Ashley Rivera.

Magkakasama ang dalawang komedyante sa comeback project ni John Lloyd Cruz na Happy ToGetHer. Gaganap dito si Carmi bilang loving lola na si Nanay Pining, samantalang ang sexy secretary na si Pam ang gagampanan ni Ashley.

Sa panayam ng GMANetwork.com kay Carmi sa online mediacon ng sitcom noong December 17, sinabi ng aktres na naalala niya ang sarili kay Ashley Rivera.

Paliwanag ng veteran comedienne, “Actually, itong si Ashley [Rivera] nakikita ko 'yung sarili ko, parang young Carmi Martin.”

Dagdag niya, “Pinapakita ko nga 'yung mga pictures ko, sabi ko, 'O, tignan mo kung ano 'yung mga suot ko noon ganito, ganyan.'

"And I see how she acts, bibong-bibo, ganyan. Magaling-magaling talaga siya sa comedy and very light.”

Tuwang-tuwa rin si Carmi sa pag-uugali ng Kapuso actress na si Jenzel Angeles.

“Ganun naman din kay Jen, nakakatuwa at saka parang walang kahirap-hirap na katrabaho and I don't feel na pressured sila na, you know, 'I'm working with John Lloyd [Cruz] at mga taga ABS-CBN.' Wala naman, parang bago sila dumating sa set pinag-aralan nila and I think 'yung mga pa-starstruck na [pakiramdam] ay na-express na sa aming Zoom noong first meeting pa lang."

Dagdag pa niya, “It's really a happy together set.”

Source misscarmi IG

Source: misscarmi_ (IG)

Napanood si Carmi Martin sa sitcom na Ismol Family noong 2014. Ito ay pinagbidahan nina Carla Abellana at Ryan Agoncillo.

Excited na ba kayo sa world premiere ng Happy ToGetHer ngayongDecember 26?

Heto ang pasilip sa taping ng highly-anticipated sitcom ni John Lloyd Cruz sa gallery na ito.