
Walang pagsidlan ng tuwa ang veteran comedienne na si Carmi Martin sa mataas na ratings ng Kapuso sitcom na pinagbibidahan niya kasama ang multi-awarded TV idol na si John Lloyd Cruz. Sa Instagram post ni Miss Carmi, sinabi nito nakakataba ng puso na makita na sinusuklian ng viewers ang hirap at pagod ng buong team ng Happy ToGetHer.
Ginagampanan ng versatile actress ang karakter ni Nanay Pining sa show, samantala ang role naman ni John Lloyd ay ang single dad heartthrob na si Julian.
Saad ni Carmi, “Maraming Salamat po sa inyong pag titiwala. Happy po kami na kayo ay pasayahin every Sunday.”
Nagpaabot din ng pasasalamat si Carmi sa management ng GMA Network na binigyan sila ng "creative freedom" sa episodes nila every week.
Paliwanag niya, “Risky sa sitcom yung mag-guest ka ng isang artista na multiple episodes na may continuing story. Dahil pag bagsak ang ratings nung una, paano yung mga kasunod na nagawa nyo na?
“Pero salamat sa management ng GMA dahil binigyan kami ng creative freedom. At ang buong grupo ay nagtiwala sa materyal. Kaya maganda ang ending ng Trilogy ni Faith da Silva. Speaking of faith… Congrats Happy ToGetHer family!”
Kaya patuloy na manood tuwing Sunday Grande sa Gabi ng Happy ToGetHer, bago ang award-winning news magazine show na Kapuso Mo, Jessica Soho!
Kilalanin ang star-studded cast of Happy ToGetHer in this gallery.