
Hindi maitago ang ngiti ng Sparkle artist na si Bianca Umali dahil finally, nakapagpa-picture at nakasama niya sa isang project ang multi-awarded TV and movie star na si John Lloyd Cruz.
Special guest si Bianca sa Sunday episode ng Happy ToGetHer, bukas, bilang si Issa.
May souvenir photo pa ang Kapuso actress with the lead actor at sabi niya sa caption sa Instagram, “A photo I never thought I would have - a selfie with JLC!”
Pinusuan naman ng mga netizen ang cute selfie ni Bianca with John Lloyd na gumaganap bilang Julian sa sitcom.
This week, magiging isyu ang breakup sa pagitan ng karakter ni Bianca at ni Mike na ginagampanan ni Jayson Gainza.
Mauwi kaya sa gulo, kapag nakita ni Mike si Issa at Julian na magkayakap.
Heto ang pasilip sa isa na namang kulit episode ng Happy ToGetHer this coming February 27:
Kilalanin ang iba pang cast ng Happy ToGetHer sa gallery below.