
Matitikman na ni Julian (John Lloyd Cruz) ang “poot” ng seksing kusinera sa darating na Linggo ng gabi sa Happy ToGetHer!
Mabibighani hindi lang sa angking ganda at pati na rin sa cooking skills ang guwapong mekaniko sa bagong cook sa carinderia.
Tiyak sapul sa panlasa at katatawanan na hinahanap n'yo ang special guest this week na si Bubble Gang star Kim Domingo!
Swak na swak ang good vibes this Sunday night sa Happy ToGetHer, bago ang Kapuso Mo Jessica Soho, mga Kapuso.
Kilalanin ang iba pang co-stars ni John Lloyd Cruz sa high-rating Kapuso sitcom sa gallery na ito: