
May bisita sina Julian (John Lloyd Cruz) at Nanay Pining (Carmi Martin) sa Happy ToGetHer ngayong August 7.
Pansamantalang tutuloy si Eba (Ana Jalandoni) at stepson nito na si Tope (Clarence Delgado) sa bahay nina Julian habang nag-aayos ng dokumento papuntang abroad.
Marami namang mabibighani kay Eba, lalo na si Bart. Kaya naman itong si Tope, bantay sarado sa mga may gusto sa kaniyang stepmother.
Mukha rin hindi kasundo nito ang anak na lalaki ni Nanay Pining na si Joey (Vito Quizon).
Ano kaya ang mangyayari sa laugh-out-loud episode na ito this Sunday night?
Walang aabsent sa panonood ng Happy ToGetHer, ngayong August 7 bago ang Kapuso Mo Jessica Soho sa oras na 7:40 p.m.
ALAMIN KUNG SINU-SINO ANG CO-STARS NI JOHN LLOYD CRUZ SA HIT KAPUSO SITCOM: