
May kurot sa puso ang pagbabalik ng patok na Sunday night sitcom na Happy ToGetHer.
Masaya si Julian (John Lloyd Cruz) na makita sa Dakak ang brother-in-law niya na si Joey (Vito Quizon) at Eba, idagdag mo pa na nakasama niya ang kaniyang sweetheart na si Shelly (Arra San Agustin) at mga katrabaho sa motorshop na sina Pam (Ashely Rivera), Mike (Jayson Gainza), Boss Oca, Andy, at Kanor.
Sunod-sunod ang mga activities nila at todo ang bonding habang nasa Dakak, kaya naman kita ang saya sa mukha ni Julian.
Pero, totoo kaya ang lahat ng ginawa nila o panaginip ang lahat na ito kay Julian?
Nakasama kaya niya ang mga mahal sa buhay o gawa lang ito ng kaniyang imahinasyon?
Balikan ang mga nangyari sa comeback episode ng Happy ToGetHer last January 8 sa video below.
Lumilipad na naman ang isip mo, Julian!
Heto pa ang ilan sa trending scenes sa Sunday night episode ng Kapuso sitcom below.
The gang is back!
Joey at Nanay Pining, hindi natuloy sa New Zealand?!
Si Kanor, may stalker!
Ang Happy ToGetHer ay nasa ilalim ng direksyon ni Direk Edgar “Bobot” Mortiz at patnubay nina Executive Producer Joy Dulce at Associate Producer Maria Teofila Dueñas.
Kasama sa creative team sina Jafet Tutanes bilang Director of Photography (DOP), head writer na si Sherwin Buenavida, at mga manunulat na sina Badji Mortiz, Ricky Victoria, Ays de Guzman, Joaquin Acosta, Rolf Mahilom, at brainstormer na si Miles Ocampo.