Kung ikaw si Heart, pipiliin mo ba ang future na nandyan na si Ace o ang past na muling nagbalik na si Uno?
Painit nang painit ang nangyayari sa pagitan nina Ace (David Licauco) at Uno (Edgar Allan Guzman) upang mapaibig nila si Heart (Julie Anne San Jose).
Sa nalalapit na pagtatapos ng Heartful Café, sino nga ba ang dapat piliin ni Heart kina Ace at Uno?
Si Uno ang boyfriend ni Heart at naging business partner niya nang buksan nila ang Heartful Cafe ngunit iniwan siya ni Uno dahil nakakuha ito ng scholarship sa isang film school sa Los Angeles.
'Pagkatapos umalis ni Uno, nalugi ang Heartful Café pero buti na lang ay dumating ang bagong business partner ni Heart na si Ace na tumulong upang makabangon siya sa pagkalugi.
Ngayong bumalik na sa Pilipinas si Uno, dapat din ba siyang balikan ni Heart? O dapat ay ibaling na ni Heart ang kanyang atensyon kay Uno?