GMA Logo Jamir Zabarte and Zonia Mejia
What's on TV

Zonia Mejia and Jamir Zabarte isa sa mga magpapakilig sa 'Heartful Cafe'

By Cara Emmeline Garcia
Published February 22, 2021 1:04 PM PHT
Updated March 4, 2021 6:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi | December 19, 2025
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Jamir Zabarte and Zonia Mejia


Hindi pa man ipinapalabas ang 'Heartful Cafe,' todo pakilig na online ang tambalang Zonia Mejia at Jamir Zabarte!

Kung sa tingin n'yo sina Julie Anne San Jose at David Licauco lamang ang magpapakilig sa inyo sa upcoming Good TV show na Heartful Café, ay nagkakamali kayo!

Isa sa mga inaabangang tandem sa upcoming romantic serye ay ang young actors na sina Zonia Mejia at Jamir Zabarte na gaganap bilang sina Soledad Fulgencio at Buddy Portales.

Si Soledad Fulgencio o “Sol” ang pinsan ni Heart Fulgencio (Julie Anne San Jose), isang matalino na marketing student na may sense of humor. Habang si Buddy Portales naman ang funny boy next door na part-time worker sa Heartful Café.

Bago pa man ipalabas ang serye sa telebisyon, nagsisimula nang magpakilig ang dalawa online simula sa TikTok kung saan mapapanood ang dalawa nagkukulitan sa set.

Isa na dito ang kanilang patok na patok na dance cover ng “Lotus Flower Bomb” ng American rapper na si Wale featuring Miguel na umabot na ng mahigit 3,000 views sa video sharing platform.

@zoniaysabel

Hello from Buddy and Sol! #HeartfulCafe

♬ LOTUS FLOWER BOMB x YRN - Michael Napiza

Sa public Facebook profile naman ng young Kapuso actress makikita ang kulitan ng dalawa nang i-post ni Zonia ang litrato ng taho sa kanyang timeline.

Bahagi ni Jamir sa comment section na nag-DM siya kay Zonia at sinabing, “Sobrang tamis parang ikaw! Woh!!”

Sagot ni Zomia, “HAHAHA! Ewan ko sa'yo Jamir! Pakurot na nga din ng pisnge!”

Pinatawa na lang ng Kapuso actor ang kanyang ka-love team nang sagutin ito ng “Because” meme na patok na patok ngayon sa social media.

Source: Zonia Mejia (FB)

Ang seryeng Heartful Café ay umiikot sa buhay ni Heart Fulgencio, na ginagampanan ni Julie Anne San Jose, isang online romance novelist na magiging cupid ng ilang customers sa kanyang coffee shop business.

Makikilala rin niya dito si Ace Nobleza, ang role ni David Licauco, isang goal-driven person na magiging co-investor niya sa cafe.

Ang Heartful Cafe ay nasa creative direction ni Aloy Adlawan. Si RJ Nuevas ang nagsisilbing creative consultant at content creator nito. Isinulat naman ito ng head writer na si J-mee Katanyag kasama sina Ken de Leon at Jimuel Dela Cruz.

Tunghayan ang Heartful Cafe sa Good TV.