GMA Logo Julie Anne San Jose and David Licauco
What's on TV

David Licauco aminadong gustong jowain si Julie Anne San Jose

By Cara Emmeline Garcia
Published March 23, 2021 12:20 PM PHT
Updated March 24, 2021 3:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Julie Anne San Jose and David Licauco


Pinakilig ni David Licauco ang buong 'Heartful Café' set nang aminin n'yang gusto niyang jowain ang kanyang co-star na si Julie Anne San Jose! Panoorin DITO:

“Jojowain!”

'Yan ang bitiw ni Kapuso hunk David Licauco sa harap nang camera nang tanungin siya ng kanyang Heartful Café leading lady na si Julie Anne San Jose kung totropahin ba o jojowain niya siya.

Paliwanag ni David sa Jojowain o Totropahin Challenge, “Type naman kita, a! Maganda, cute, magaling kumanta, masipag, passionate at sexy!

“Ano pa ba? Ayun! Basta satin-satin lang muna, next time ko na sabihin sa'yo 'yun.”

Sa parehong video na uploaded sa GTV Facebook Page, tinanong ni David ang kanyang co-star kung ganito rin ba ang pagtingin niya sa kanya.

Wika ni Julie, “Ha? Hmm… jojowain.”

Panoorin ang nakakakilig na video na ito:


Hindi ito ang unang pagkakataon na inamin ni David ang kanyang paghanga sa Heartful Café actress.

Aniya sa GMA Network.com, “She's very nice. As we all know maganda naman talaga si Julie and she's very talented.

“But ang pinakahinangaan ko sa kanya is 'yung mood n'ya at 8 a.m. is not different from 'yung mood n'ya at last scene which is around 1:30 a.m. I think that says a lot about her na masipag talaga siya at gusto niya 'yung ginagawa n'ya.

“Sinabi ko nga sa kanya 'yun, e. Na parang ang galing at 'di ko siya nakita ever na sumimangot.

“Kasi minsan naman talaga nakakapagod at 'di naman madaling maging artista.

“So minsan, may mga ilan na napapakita 'yon. Pero si Julie, same lang 'yung vibe niya from 7 a.m. to 2 a.m. the next day.”

Hindi rin ito ang first time na magpakilig ang dalawa.

Noong Pebrero, nagpakilig na rin sila sa fans nang ipost ni David ang kanilang photo ni Julie sa kanyang Instagram na may kasamang maiksing caption na "Hi Heart."

Sumagot naman si Julie sa comments at sinabing, "Hi Ace," bagay na napansin agad ng ilang fans. Dito nagsimula na tawagin silang "JulieVid" o ang pinagsamang pangalan nina Julie at David.

Marami sa mga excited na fans ang di napigilan na biruin ang dalawang artista.

Komento ng isang fan: " “Lab u both! JulieVid lang sakalam [malakas].”

Sabi naman ng isa pa: “Hoooy!!! Kasi naman, e. Bakit kinikilig ako.”

Sulat naman ng isang fan, mukhang magiging effective na tambalan ang Julie-David pagnagsimula nang umere ang Heartful Café sa GTV: " “Ay beeeet, Heart x Ace.”

Marami rin ang sang-ayon na bagay silang dalawa para sa naturang serye.

May nagsabing, "Naks naman Heart and Ace cutie" at meron ding, "Bagay kayo OMG."


Sa Heartful Café gaganap si Julie Anne bilang si Heart Fulgencio, isang online romance novelist na magiging cupid sa ilang customers sa kanyang coffee shop business.

Dito, makikilala n'ya si Ace Nobleza, ang karakter ni David Licauco, isang goal-driven person na magiging co-investor n'ya sa café.

Ang Heartful Café ay mapapanood sa GTV at nasa creative direction ni Aly Adlawan. Si RJ Nuevas ang nagsisilbing creative consultant at content creator nito. Isinulat naman ito ng head writer na si J-mee Katanyag kasama sina Ken de Leon at Jimuel dela Cruz.

Tingnan ang cast at ang kanilang mga karakter sa gallery na ito: