
Masaya ang seasoned actress na si Rita Avila sa pagkakataon na nakatrabaho sa isang serye ang co-stars niya sa Hearts On Ice.
Sa Instagram, ipinakita ni Rita ang bonding moment sa set kasama sina Ashley Ortega, Amy Austria, Ina Feleo, at Cheska Iñigo.
Sulat niya, "Sarap to work with them. Iyan ang bonus sa trabaho e', 'yung mabait ang kasama. Wala lang sa [picture] ang boys ng 'Hearts On Ice' pero winner din sila kasama."
Umaapaw rin ang papuri ni Rita sa young stars ng Hearts On Ice na aniya ay "mababait, magagalang, at magagaling."
Ang Hearts On Ice ay pinagbibidahan nina Ashley Ortega at Xian Lim kasama ang batikan at kilalang mga aktor na si Amy Austria, Tonton Gutierrez, Rita Avila, Lito Pimentel, Ina Feleo, at Cheska Inigo. Ipinakikilala si Roxie Smith kasama sina Kim Perez, Skye Chua, at Ruiz Gomez.
Sa figure skating series, napapanood si Rita bilang Yvanna Campos, dating figure skater at ina ni Monique. Cold, competitive, at handa niyang gawin ang lahat para maging figure skating champion ang kanyang anak. Siya ang dating bestfriend ni Libay (Amy) at kapatid ni Gerald (Tonton).
Patuloy na subaybayan si Rita sa Hearts On Ice, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
Mapapanood din ang Hearts On Ice sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (11:30 p.m.), at naka-livestream din ito sa GMANetwork.com.
KILALANIN ANG CAST NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: