
Matapos ang nakamamanghang ice performances nina Ashley Ortega, Roxie Smith, Skye Chua, at two-time Winter Olympian Michael Martinez noong Miyerkules, panibagong kapana-panabik na mga eksena ang dapat na abangan ngayong Biyernes sa Hearts On Ice.
Sa teaser na inilabas ng Hearts On Ice, mapapasabak naman ngayon sa swimming ang mga figure skater, kung saan magkakaroon sila ng freestyle swimming race.
Ipinasilip din ang pagpasok ni Ponggay (Ashley) sa pool na naka-black swimsuit kung saan napatitig si Enzo (Xian) at napatingin din ang kapwa niya figure skaters.
Noong Sabado (April 15) agad na humakot ng million views at libo-libong reaksyon ang teaser ng swimsuit scene na ito ni Ponggay.
Huwag palampasin ang kapana-panabik na mga eksenang ito sa Hearts On Ice ngayong Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
Mapapanood din ang Hearts On Ice sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (11:30 p.m.), at naka-livestream din ito sa GMANetwork.com.
MAS KILALANIN SI ASHLEY ORTEGA SA GALLERY NA ITO: