GMA Logo ina feleo in hearts on ice
What's on TV

Ina Feleo dedicates her solo figure skating performance on 'Hearts On Ice' to late dad Johnny Delgado

By Aimee Anoc
Published April 26, 2023 12:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

ina feleo in hearts on ice


Ina Feleo likens her late dad Johnny Delgado to Tatay Ruben on 'Hearts on Ice': "Talagang siya 'yung super supportive."

Isang heart-touching ice performance ang masasaksihan kay Ina Feleo soon sa Hearts On Ice.

Sa isang press interview, ikinuwento ng aktres ang excitement na mapanood ang ginawa niyang solo dance sa Hearts On Ice na idini-dedicate niya sa yumaong ama at aktor na si Johnny Delgado.

Kuwento ni Ina, masaya siya sa pagkakataong mabigyan ng solo dance sa Hearts On Ice. Aniya, "Iyon nga, dahil sa role ko as Coach Wendy, wala siya masyadong scenes na talagang nakikita mo siyang nag-skate dahil medyo coach lang siya.

"Pero nu'ng nakita ko sa script na binigyan ako ng moment na parang a solo dance na nakalagay, 'She skates with her heart and soul.' So, nu'ng nakita ko 'yun naisip ko talaga kaagad na dapat pumili ako ng music.

"Well, siyempre, papatungan naman sa editing 'yung music but I wanted to dance to a Charlie Chaplin song. Kasi si daddy nu'ng nabubuhay pa siya, siya 'yung Tatay Ruben ko. Talagang siya 'yung super supportive. Pareho sila ni mommy na supportive but si daddy was my driver, tapos nu'ng nasa states ako nagluluto siya for me.

"I wanted to dedicate the dance, the skate for him. So nu'ng shinoot 'yun, may mga coach du'n na kilala ako from before, from 20 years ago, tapos nu'ng napanood nila sabi nga sa akin na parang iba raw 'yung skate ko that night, parang gumaling ka pa, o parang iba na raw 'yung the way ko ipakita 'yung emotion. I think it's because, syempre, dinidicate ko kay daddy."

A post shared by Ina Feleo (@ina_feleo)

Dagdag pa ni Ina, nagpunta rin sa set noong araw na iyon ang kanyang inang si Laurice Guillen. Nagsisimula ang taping ng Hearts On Ice sa ice rink ng 10:00 p.m. at natatapos kung minsan nang umaga na.

"Si Mommy nagpunta sa set, galing pa siya taping niya nu'n from Pampanga, dumiretso siyang Mall of Asia. Nakita niyo naman 'di ba 'yung set namin kung gaano kahirap. It's really hard work dahil sa baligtad 'yung oras. Nandoon siya, she stayed up and talagang siya 'yung nag-video.

"Ang sarap naman kasi, siyempre, nakakatulong for me, showgirl ako, e. I like having an audience. Siyempre, kapag nag-express masarap 'yung mayroon kang sini-share-an. 'Yun parang it was such a nice moment for me. My favorite moment in Hearts On Ice kasi parang bumalik 'yung feeling dati why I love the sport. that's the reason why I love the support, it was not just a sport, it was not just athletic, pero it was also 'yung nga 'yung grace, sayaw, tapos mix with the difficulty," sabi ng aktres.

Para sa mga hindi nakaaalam, bago pa man pumasok noon si Ina sa showbiz ay isa na siyang professional figure skater. Siya ang first national champion ng bansa sa mga babae.

"Actually, iyon 'yung first love ko before anything else. Before pumasok 'yung acting or even the dancing, iyan 'yung una ko talagang minahal was figure skating. So from the age of nine to 16," pagbabahagi niya.

Abangan si Ina bilang Coach Wendy sa Hearts On Ice, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Mapapanood din ang Hearts On Ice sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (11:30 p.m.), at naka-livestream din ito sa GMANetwork.com.

Balikan ang nakamamanghang ice performance nina Ina Feleo at two-time Winter Olympian Michael Martinez dito:

KILALANIN ANG CAST NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: