
Patuloy ang pagbibigay inspirasyon ng Philippines' first-ever figure skating series na Hearts On Ice.
Bukod sa matututunang aral at pangarap, maraming young audience na rin ang gustong sumubok ng sport na figure skating.
Tulad na lamang nina Crisha, Annastazia, Cassandra, Stephanie, at Mika, na pare-parehong na-inspire na subukan ang figure skating dahil sa "idolo" nilang si Ponggay (Ashley Ortega).
Ayon sa ina ni Crisha, "Kakanood ng Hearts On Ice. Ito raw ang gusto n'yang maging sport."
Nagsasanay naman sa roller blades at roller skates ang magkapatid na Annastazia at Cassandra bago sumubok sa ice rink, na ani ng kanilang ina ay "dahil kay Ponggay 'yan."
Pareho namang ginagaya ng dalawang batang ito ang figure skating moves na napapanood nila sa Hearts On Ice.
Para naman kina Stephanie at Mika, gusto nilang gayahin si Ponggay. Ani ng una, "Habang pinapanood ko po, parang sinasabi ni Ponggay kahit pilay kaya mong gawin."
Ang Hearts On Ice ay pinagbibidahan nina Ashley Ortega at Xian Lim kasama sina Amy Austria, Tonton Gutierrez, Rita Avila, Lito Pimentel, Ina Feleo, Cheska Iñigo, Roxie Smith, Kim Perez, Skye Chua, at Ruiz Gomez.
Patuloy na subaybayan ang gumagandang kuwento ng Hearts On Ice, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m sa GMA Telebabad.
Mapapanood din ang Hearts On Ice sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (11:30 p.m.), at naka-livestream din ito sa GMANetwork.com.
TINGNAN ANG FIGURE SKATING JOURNEY NI ASHLEY ORTEGA SA GALLERY NA ITO: