GMA Logo Ashley Ortega, ratings T-card
What's on TV

'Hearts On Ice' records 10.3 ratings as Ponggay competes in the Philippine National Figure Skating Championship

By Dianne Mariano
Published June 9, 2023 7:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Michael Jordan tells court he 'wasn't afraid' of NASCAR
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Ortega, ratings T-card


Record-breaking ang ratings ng nakaraang episode ng 'Hearts On Ice' dahil nakapagtala ito ng 10.3 percent ayon sa NUTAM People Ratings.

Talagang tinutukan ng mga manonood ang paglaban ni Ponggay (Ashley Ortega) sa Philippine National Figure Skating Championship na napanoood sa nakaraang episode ng Hearts On Ice.

Sa katunayan, nakapagtala ang naturang episode ng palabas ng pinakamataas na ratings nito na 10.3 percent ayon sa NUTAM People Ratings.

Sa 62nd episode ng Hearts On Ice, matatandaan na nakalaban ni Ponggay sina Sonja (Skye Chua) at Monique (Roxie Smith) sa Philippine National Figure Skating Championship.

Hindi nagtagumpay si Ponggay sa naturang kompetisyon matapos niyang matubma dahil sinubukan niyang gawin ang delikadong move na triple axel. Sa huli, si Monique ang nanalo ng gold medal sa Philippine National Figure Skating Championship.

Samantala, natuklasan ni Gerald (Tonton Gutierrez) ang panlolokong ginawa sa kanya ng kapatid na si Yvanna (Rita Avila). Dahil dito, kinasusuklaman ni Gerald ang kanyang kapatid dahil sinabi ng isang lalaki na binayaran siya ni Yvanna para baguhin ang DNA result.

Sa pag-uusap ng magkapatid, sinabi na ni Yvanna kay Gerald na si Ponggay ay ang anak nito dahil iyon ang lumabas sa DNA result.


Balikan ang nakaraang episode ng Hearts On Ice sa video na ito.

Patuloy na subaybayan ang Hearts On Ice, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., sa GMA Telebabad.

SAMANTALA, SILIPIN ANG LAST TAPING DAY NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO.