Kilalanin si Arhia Faye Agas, ang young Ponggay ng 'Hearts On Ice'

Patuloy niyang pinapahanga ang manonood sa mahusay at epektibo niyang pagganap bilang young Ponggay sa kauna-unahang figure skating series ng bansa, ang 'Hearts On Ice.'
Ayon kay Arhia Faye Agas, sobra-sobra ang pasasalamat niya sa GMA para sa pagkakataon na gumanap bilang batang Ponggay, ang karakter ni Kapuso actress Ashley Ortega sa kauna-unahang figure skating series ng bansa.
"Super thankful po ako sa project na ito. Mas naging magaling po ako umakting and super bait ng mga direktor and producer. Special thanks to Direk Dominic [Zapata] and Miss Darling [Torres], and sa lahat ng staff at mga coach, ang gagaling nila lahat. Ang laki ng improvement ko sa acting," sabi ng 9-year-old na aktres sa GMANetwork.com.
Kilalanin ang young star na si Arhia Faye Agas sa gallery na ito:









