'Hearts On Ice' viewers, nagugustuhan din si Kim Perez para kay Ashley Ortega

Tila may bagong love team na napupusuan ang mga manonood ng Hearts On Ice.
Bukod sa Team Enzo (Xian Lim), may nabuo na ring Team Bogs (Kim Perez) nang mapanood ang episode 31 ng serye, na agad na nag-trending kahapon, April 26.
Kahit baguhan pa lamang sa showbiz ay agad nang nakitaan si Kim ng husay bilang isang aktor. Kinakikiligan na rin ngayon ang karakter niyang si Bogs, na kinagigiliwan ngayon ng mga manonood para kay Ponggay (Ashley Ortega).
Tingnan ang mga reaksiyon tungkol kina Bogs at Ponggay rito:











