Xian Lim grateful for 'Hearts On Ice' team as taping wraps up

Isang sweet na mensahe ang ipinarating ni Xian Lim para sa mga kasamahan niya sa Hearts On Ice sa pagtatapos ng taping nito noong Lunes (May 22).
Ayon sa aktor, "grateful at nagpapasalamat" siya sa oportunidad na ibinigay sa kanya ng Kapuso Network na naging bahagi ng cast ng Hearts On Ice.
Sa figure skating series, patuloy na nagbibigay inspirasyon at kilig si Xian bilang Enzo. Kasamang bumibida ng aktor sa serye ang leading lady niyang si Ashley Ortega at ang batikan at kilalang mga aktor na sina Amy Austria, Tonton Gutierrez, Rita Avila, Lito Pimentel, Ina Feleo, Cheska Iñigo, Kim Perez, Roxie Smith, Skye Chua, at Ruiz Gomez.
Tingnan ang ilan sa masasayang moment ni Xian kasama ang cast at crew ng Hearts On Ice sa gallery na ito:









