GMA Logo Ruiz Gomez
Photo by: iamruizgomez (IG)
What's on TV

Ruiz Gomez sa unang serye sa GMA na 'Hearts on Ice': 'Napakalaking blessing siya sa akin'

By Aimee Anoc
Published October 11, 2022 2:27 PM PHT
Updated January 27, 2023 1:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pope Leo XIV at the Vatican
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust
Michelle Dee celebrates the holidays with a designer bag

Article Inside Page


Showbiz News

Ruiz Gomez


Kabilang ang aktor na si Ruiz Gomez sa cast ng upcoming sports drama series ng GMA na 'Hearts on Ice.'

Isang malaking blessing para kay Ruiz Gomez ang mapasama sa star-studded cast ng first Filipino figure skating series na Hearts on Ice.

Sa interview ng GMANetwork.com kay Ruiz sa naganap na story conference ng serye, hindi raw makapaniwala ang aktor noong unang sabihin sa kanya na kabilang siya sa cast ng seryeng pagbibidahan nina Ashley Ortega at Xian Lim.

"Hanggang sa may nag-email na nga po from GMA na official na kasama [ako] sa serye," sabi ni Ruiz.

"Actually nagulat po ako nu'ng nakita ko 'yung cast kasi mga bigatin talaga sa industriya and marami rin pong batikan katulad nina Sir Tonton [Gutierrez], Sir Lito [Pimentel]. Sobrang nakakatuwa po, nakakagalak sa puso kasi first soap ko rin siya."

Ayon sa aktor, sumalang siya sa acting workshop at guitar lessons bilang paghahanda sa kanyang karakter sa serye.

"Nag-acting workshop po ako kay Ms. Ana Feleo, tapos mayroon na din po akong iba pang acting workshop before pa bago itong series na ito. And naggi-guitar lesson din ako kasi gitarista rin ako sa serye," pagbabahagi niya.

Bukod kina Ashley at Xian, makakasama rin ni Ruiz sa Hearts on Ice sina Amy Austria, Rita Avila, Tonton Gutierrez, Lito Pimentel, Cheska Iñigo, Kim Perez, Roxie Smith, at Skye Chua.

Abangan ang Hearts on Ice, soon sa GMA.

TINGNAN ANG NAGANAP NA STORY CONFERENCE NG 'HEARTS ON ICE' DITO: