GMA Logo XOXO's Dani, Shuvee Etrata, and Ella Cristofani
What's on TV

XOXO's Dani, Shuvee Etrata, at Ella Cristofani, mapapanood sa upcoming series na 'Hearts On Ice'

By Aimee Anoc
Published February 10, 2023 4:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

XOXO's Dani, Shuvee Etrata, and Ella Cristofani


Abangan sina Danielle Ozaraga, Shuvee Etrata, at Ella Cristofani sa Philippines' first-ever ice skating drama series 'Hearts On Ice.'

Mapapanood sa inaabangang figure skating series na Hearts On Ice ang XOXO member na si Danielle "Dani" Ozaraga, ang Sparkle artist na si Shuvee Etrata, at ang StarStruck Season 7 alumna na si Ella Cristofani.

Sa Instagram, ibinahagi ni Dani ang larawang kuha mula sa taping ng Hearts On Ice kung saan kasama niya ang lead star ng serye na si Ashley Ortega at sina Roxie Smith, Skye Chua, Shuvee Etrata, at Ella Cristofani.

Makikita na masayang nagpakuha ng larawan ang Hearts On Ice ladies habang naka-swimming attire.

Isang post na ibinahagi ni Danielle Ozaraga (@xoxo_gma_dani)

Sulat ni Dani, "Forda swim."

Noong Enero, una na ring ipinakilala ni Ashley ang "swimming team" na ito ng nasabing serye kung saan naka-black swimsuit ang lahat.

Hearts On Ice

Ilan pa sa cast ng serye ay sina Xian Lim, Amy Austria, Rita Avila, Tonton Gutierrez, Lito Pimentel, Ina Feleo, Cheska Iñigo, Antonette Garcia, Kim Perez, at Ruiz Gomez.

Abangan ang Hearts On Ice, simula Marso sa GMA Telebabad.

KILALANIN SI SHUVEE ETRATA SA GALLERY NA ITO: