
Hindi maitatangging maraming netizens na ang excited para sa bagong sports drama series ng GMA, ang Hearts On Ice.
Backdrop ng magandang kuwento ng Hearts On Ice ang sports na figure skating. Ito ang kauna-unahang ice skating drama series ng bansa na pagbibidahan ng dalawang mahuhusay na artista ngayon na sina Ashley Ortega at Xian Lim.
Mapapanood din sa upcoming series ang batikan at kilalang mga aktor na sina Amy Austria, Rita Avila, Tonton Gutierrez, Lito Pimentel, Ina Feleo, at Cheska Iñigo, kasama sina Antonette Garcia, Kim Perez, Ruiz Gomez, Roxie Smith, at Skye Chua.
Sa unang 30-second teaser na inilabas ng GMA Network noong Sabado, ramdam na ramdam na ang excitement ng netizens para sa Hearts On Ice, na agad na umani ng magagandang reaksyon.
Mula sa direksyon ni Direk Dominic Zapata, abangan ang Hearts On Ice, simula Marso sa GMA Telebabad.
KILALANIN ANG CAST NG 'HEARTS ON ICE' SA GALLERY NA ITO: