GMA Logo Elle Villanueva at Lianne Valentin
What's on TV

Elle Villanueva at Lianne Valentin, mapapanood bilang figure skaters sa 'Hearts On Ice'

By Aimee Anoc
Published March 6, 2023 10:19 AM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Elle Villanueva at Lianne Valentin


Abangan sina Elle Villanueva at Lianne Valentin bilang young Libay at young Yvanna sa Philippines' first-ever figure skating series na 'Hearts On Ice.'

Kapwa mapapanood ang Sparkle actresses na sina Elle Villanueva at Lianne Valentin sa upcoming figure skating series ng GMA na Hearts On Ice.

Bibigyang-buhay nina Elle at Lianne ang mga batang karakter nina Amy Austria at Rita Avila na sina Libay at Yvanna.

Si Libay ang raketerang ina ni Ponggay (Ashley Ortega) na dating isang magaling na figure skater. Tinalikuran nito ang figure skating matapos na traydurin ng dating kaibigang si Yvanna, ang ina ni Monique (Roxie Smith) na magiging best friend at mahigpit na rival ni Ponggay sa figure skating.

Hearts On Ice

Pagbibidahan ang Hearts On Ice ng dalawa sa mahuhusay na artista ngayon ng Kapuso Network na sina Ashley Ortega at Xian Lim.

Makakasama rin sa serye ang batikan at kilalang mga aktor na sina Amy Austria, Tonton Gutierrez, Rita Avila, Lito Pimentel, Ina Feleo, at Cheska Iñigo. Ipinakikilala rin si Roxie Smith kasama sina Kim Perez at Skye Chua.

Iikot ang istorya ng Hearts On Ice sa pangarap ng isang may kapansanang manlalaro, si Ponggay, na susubuking abutin ang naudlot na pangarap ng ina na maging isang matagumpay na figure skater.

Abangan ang world premiere ng Philippines' first-ever figure skating drama series na Hearts On Ice ngayong March 13, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Panoorin ang full trailer ng Hearts On Ice dito:

TINGNAN ANG NAGANAP NA MEDIA CONFERENCE NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: