
Itinuturing ni Sparkle actress Lianne Valentin na "one of a kind experience" ang oportunidad na mapasama sa Hearts On Ice kung saan gumanap siyang young Yvanna, na kalaunan ay ginampanan ng seasoned actress na si Rita Avila.
Figure skater ang naging role ni Lianne sa serye--ang matalik na kaibigan ni Libay, na ginampanan naman ni Elle Villanueva, na nag-traydor sa huli para siya ang maging kinatawan ng bansa sa Winter Olympics.
Kuwento ni Lianne sa GMANetwork.com, magkasama silang nag-training ni Elle sa ice rink bilang paghahanda sa kanilang role.
"Sa 'Hearts On Ice' nag-training kami ni Elle like two sessions just to get the vibe ng rink kasi may double naman talaga kami. Actually, 'yung ice skating it takes years talaga to master so kung two sessions lang hindi talaga kaya," sabi ni Lianne.
"Pero ako naman may alam akong basics ng skating kasi nga dati nag-skating ako pero not to the point na mala-Ashley Ortega. Though nagamit ko naman 'yung training, 'yung mga stock knowledge ko sa skating sa mga glide lang pero the tricks 'yung double na ang gumagawa.
"But nakaka-excite, I mean na-enjoy ko siya kasi nagawa ko rin 'yung hand movements, feet movements. Sobrang happy. It's another like one of a kind experience na ibinigay sa akin na opportunity."
Nagbigay rin si Lianne ng ilang rason kung bakit dapat na subaybayan ang kauna-unahang figure skating series ng bansa.
"Grabe rin 'yung preparations ng GMA, ng Sparkle [GMA Artist Center], ng bawat actors sa show na 'yun, and you know hindi lang siya 'yung typical skating series. It has moral lessons, it has different like relationships na makikita ka--friendship, love, parenting, family so hindi lang siya 'yung common. Kaya masasabi kong kailangan nilang abangan kasi it's like a dream ng mga tao, mas lalo na ng mga bata nating viewers," pagbabahagi niya.
Pinagbibidahan ang Hearts On Ice nina Ashley Ortega at Xian Lim. Kasama ang batikan at kilalang mga aktor na sina Amy Austria, Tonton Gutierrez, Rita Avila, Lito Pimentel, Ina Feleo, at Cheska Iñigo. Ipinakikilala rin sina Roxie Smith kasama sina Kim Perez at Skye Chua.
Patuloy na subaybayan ang Hearts On Ice, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m pagkatapos ng Mga Lihim Ni Urduja.
Mapapanood din ang Hearts On Ice sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (11:30 p.m.), at naka-livestream din ito sa GMANetwork.com.
KILALANIN ANG CAST NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: