GMA Logo Xian Lim
Photo by: xianlimm
What's on TV

Xian Lim, ipinasilip ang ice hockey scenes sa 'Hearts On Ice'

By Aimee Anoc
Published March 26, 2023 1:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Xian Lim


Tingnan ang pasilip ni Xian Lim sa kanyang ice hockey scenes para sa 'Hearts On Ice' dito.

Bukod sa figure skating, mapapanood ding maglaro ng ice hockey si Xian Lim sa sports drama series na Hearts On Ice.

Talaga namang game na game si Xian na sumubok ng mga bagong experience para sa karakter niya bilang Enzo, na marunong gumawa ng musika, mag-figure skating at ice hockey, nagmomotorsiklo, at isang businessman.

Sa Instagram, ipinasilip ng aktor ang unang ice hockey taping niya para sa Hearts On Ice. Bago pa man magsimula ang serye ay nag-training na ang aktor sa ice hockey at figure skating.

A post shared by Alexander Xian Lim Uy (@xianlimm)

Noong Miyerkules, March 22, sa kauna-unahang pagkakataon ay napanood na si Xian sa Hearts On Ice, na nag-trend sa Twitter Philippines.

Agad ding nag-trend sa Twitter Philippines ang unang pagkikita nina Enzo at Ponggay (Ashley Ortega) noong Biyernes, March 24.

Ano kaya ang mangyayari sa muling pagkikita nina Ponggay at Enzo sa Hearts On Ice? Makilala pa kaya nila ang isa't isa?

Patuloy na subaybayan ang Hearts On Ice, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m pagkatapos ng Mga Lihim Ni Urduja.

Mapapanood din ang Hearts On Ice sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (11:30 p.m.), at naka-livestream din ito sa GMANetwork.com.

KILALANIN ANG CAST NG HEARTS ON ICE SA GALLERY NA ITO: