What's on TV

WATCH: 'Hindi Ko Kayang Iwan Ka' stars talk about HIV-themed series

By Bea Rodriguez
Published November 9, 2017 4:29 PM PHT
Updated February 20, 2018 10:53 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Presyo ng siling labuyo, umakyat na sa P800/kilo; kamatis, P200/kilo | One North Central Luzon
Marcos Jr. answers netizens’ funny Christmas questions
British designer Anya Hindmarch's Universal Bag launches in the Philippines

Article Inside Page


Showbiz News



Mabigat ang tema ng pinakabagong serye na ilulunsad sa GMA Afternoon Prime na pagbibidahan nina Yasmien Kurdi, Mike Tan, Martin del Rosario at Gina Alajar sa direksyon ni Maryo J. de los Reyes.

Mabigat ang tema ng pinakabagong serye na ilulunsad sa GMA Afternoon Prime na Hindi Ko Kayang Iwan Ka. Pagbibidahan ito nina Yasmien Kurdi, Mike Tan, Martin del Rosario at Gina Alajar sa direksyon ni Maryo J. de los Reyes.

Si Yasmien ang gaganap sa karakter ng rape victim na nakakuha ng sakit na HIV (human immunodeficiency virus), “Tungkol siya sa nagsa-struggle na si Thea na na-rape siya noong dalaga siya.”

Para kay Mike, “Very sensitive ‘yung topic kasi tungkol siya sa babaeng nahawaan ng HIV.”

Bukod sa drama, spreading awareness rin ang objective ng show, ayon kay Martin. Ika niya, “[Ito ay] parang advocacy teleserye para maging aware ang mga tao kung ano talaga ang sakit na HIV.”

Ikukuwento ng soap ang nangyayari sa isang tao na may ganitong sakit, kuwento ng batikang aktres at direktor na si Gina Alajar.

Aniya, “The story will revolve around it, the complexity of the problem, ano ang idinulot noon sa buhay ng tao na nagkaroon, ano ang idinulot ng problema na HIV sa kanyang pamilya.”

Huwag raw natin itong palampasin, “[Ito] ’yung bagong show sa GMA Afternoon Prime, ‘yung Hindi Ko Kayang Iwan Ka, petmalung-petmalu ang istorya noon!”