
Sa nalalapit na pagtatapos ng Afternoon Prime series na Hindi Ko Kayang Iwan Ka, hindi naiwasan ng stars nito na maging sentimental sa kanilang social media posts.
WATCH: Hindi Ko Kayang Iwan Ka: Control freak na kabit
Ang isa sa lead stars na si Mike Tan, dinaan ang nararamdaman sa isang Instagram post.
Aniya, "Here at Mama Adel's Mansion, feeling sentimental because today is our last taping day for Hindi Ko Kayang Iwan Ka."
Si Yasmien Kurdi naman, nag-post isang nakakatawang Boomerang video kasama ang kanyang co-stars.
Ang gumaganap na kapatid ni Yasmien sa teleserye na si Charee Pineda, may mami-miss sa kanilang programa.
Huwag bibitiw sa huling linggo ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka, pagkatapos ng The Stepdaughters sa GMA Afternoon Prime.