Article Inside Page
Showbiz News
Aminado si Kris Bernal na hindi siya agad naniwala na totoo ang tungkol sa shared memories, ang konseptong iikutan ng kuwento ng kanyang primetime series na 'Hiram na Alaala'.
By MICHELLE CALIGAN
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
Aminado si Kris Bernal na hindi siya agad naniwala na totoo ang tungkol sa shared memories, ang konseptong iikutan ng kuwento ng kanyang primetime series na
Hiram na Alaala. Kasama niya sa naturang programa sina Dennis Trillo, Rocco Nacino at Lauren Young.
"Siyempre noong una parang hindi ka maniniwala. Actually kapag binasa mo 'yung script parang 'Totoo ba 'to? May ganito bang tao? May nangyayari bang ganito sa totong buhay?'" paliwanag niya.
Agad naman daw siyang nakumbinsi na totoong nangyayari ito. "Siyempre hindi naman gagawa ang GMA ng show na parang walang basehan, na walang facts o truth. Lahat ng 'yan ay pinag-aralan nang mabuti. Hindi ka man maniwala pero hindi maglalabas ang network ng alam mong pagdududahan ka."
Aniya, hindi porket hindi natin karaniwang naririnig o nababasa ay hindi na totoo. Papatunayan daw ng
Hiram na Alaala na posibleng magkaroon ng shared memories ang dalawang tao.
"Oo, hindi ka maniniwala noong una pero kapag nabasa mo na 'yung script tapos nag-search ka rin sa internet, makikita mo na mayroon talaga. Siyempre hindi naman natin laging naririnig, rare case lang, so mapapaisip tayo. Pero itong show na ito ang magpapatunay kung gaano kaimportante ang mga memories natin."
Abangan si Kris Bernal bilang Andrea sa
Hiram na Alaala, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng
My Destiny, sa GMA Telebabad.