What's on TV

EXCLUSIVE: Empress Schuck, inamin na intense raw ang mga eksena sa 'Hiram Na Anak'

By Felix Ilaya
Published February 23, 2019 11:37 AM PHT
Updated February 23, 2019 11:48 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: LeBron James makes clutch plays as Lakers edge Suns
Maxine Medina embraces a simple, mindful skincare routine after motherhood
Iloilo Capitol workers to get at least P50,000 bonus

Article Inside Page


Showbiz News



Happy at excited na rin si Empress Schuck na makita ang kaniyang pinaghirapan para sa 'Hiram Na Anak.'

Nagbabalik Kapuso ang aktres na si Empress Schuck para sa kaniyang bagong project na Hiram Na Anak.

Empress Schuck
Empress Schuck

The face you make when someone lies to you and you already know the truth. #dontme

A post shared by Empress Schuck (@itsempressita) on

Dito mapapanood si Empress bilang Wena, ang tunay na ina ng batang si Duday (Leanne Bautista) kung saan iikot ang kuwento ng Hiram Na Anak.

Sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com, inamin ng aktres na si Wena raw ang pinaka intense na role na kaniyang ginampanan.

Aniya, "Grabe, marami akong firsts na nagawa dito. In a span of a week or two, makikita n'yo lahat ng pinagdaanan ni Wena.

"Lahat ng mga nangyari sa kaniya physically and emotionally, makikita n'yo lahat ng pagbabago sa kaniya sa pilot episode pa lang namin. Doon pa lang, as in, parang wala pa akong nagawang any projects na ganoon ka-intense.

"Isang linggo pa lang ay andami nang nangyari doon sa character kaya I'm very excited about that."

Ano kaya ang magiging kapalaran ni Wena?

Alamin sa Hiram Na Anak this February 25 na bago mag-Eat Bulaga.