GMA Logo Silhouette of Kelvin Miranda
What's on TV

Hula Who: Kapuso actor, mas gusto ba ang mas may edad na leading lady?

By Dianne Mariano
Published February 19, 2024 2:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mayon Volcano lava effusion seen anew on 173rd day of effusive eruption
Bacolod fortifies borders vs ASF
Pinoy energy electrifies '&FRIENDS Festival 2026'

Article Inside Page


Showbiz News

Silhouette of Kelvin Miranda


Ayon sa aktor na ito, kahit sino ang kanyang maging katambal ay binubuhos niya ang kanyang buong talento.

Iba't ibang katanungan ang hinarap at sinagot ng isang Kapuso actor sa isang segment ng newsmagazine show.

Isa sa mga tanong para sa aktor ay tungkol sa leading ladies. Iba't iba na rin ang kanyang mga naging leading lady sa telebisyon at pelikula.

“Mas gusto mo raw ang mas may edad na leading lady kumpara sa kasing-edad mo?” tanong ng Kapuso host sa aktor.

Sagot ng Kapuso star, “Hindi naman totally gusto ko 'yung mas may edad. Kumbaga kahit na kanino lang ako i-pair up, binubuhos ko naman 'yung buong talento ko para doon, para mag-work. Kailangan mo talagang paghandaan at saka alamin kung ano 'yung dapat mong gawin.”

Ibinahagi rin ng Kapuso host na mayroong nagawang pelikula ang aktor na ito kung saan natural ang pag-arte nito bilang isang socially awkward na teenager.

Kaya naman tinanong ang aktor kung torpe o mahiyain ba ito sa totoong buhay.

“'Di naman torpe, Marunong naman tayong makipag-usap. Kabaliktaran ng character ko,” sagot niya.

Panoorin ang buong panayam ng Kapuso actor sa video sa ibaba.