GMA Logo hula who
What's on TV

HULA WHO: Komedyante, naubos ang savings sa pagtulong

By Maine Aquino
Published April 22, 2024 3:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 24, 2025
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes

Article Inside Page


Showbiz News

hula who


Alamin kung sino ang komedyanteng tumulong sa kapwa kahit walang-wala na siya.

Inamin ng isang komedyante na minsan nang naubos ang kanyang pera dahil sa pagtulong sa kapwa.

Sa interview sa komedyante, inilahad niya kung paano siya tumulong noong panahong naghihirap ang mga tao dahil sa COVID-19 lockdown.

Si komedyante, muntik na rin sumabak sa politika ngunit hindi ito pinalad.

Kuwento niya sa isang morning show, "Charitable person ako, e. Kahit hindi po ako mag-politics talagang love ko na 'yung pagtulong sa kapwa."

Patuloy niya, "Noong lockdown, naano naman nila, ako po 'yung unang tumulong sa amin bago 'yung mga ano pa sa bara-barangay. Noong time na nga na 'yun akala ko hindi maaubos 'yung pera kong ipon. Kasi akala ko 'yung lockdown dati mga two weeks lang, pinakamatagal na one month. Ako po 'yung unang tumulong sa amin as in ayuda."

Inamin ni komedyante na dahil unti-unti nang nauubos ang perang naipon, nakaranas siya ng depresyon. Nasaktan din si komedyante dahil noong siya na ang humihingi ng tulong ay wala na siyang malapitan.

"Noong patagal na nang patagal, pabawas na nang pabawas ang pera ko. Nawawalan na kami ng income kasi nagsara na nga ang comedy bar, ganyan. Doon na ako na-depress. Ako kasi 'yung matulungin. Ako nagbibigay ng tulong. Pero 'yung time na 'yun na ako na 'yung humingi ng tulong, na-reject ako, ang sakit sa dibdib."

Inilahad pa ni komedyante na pati ang negosyo ng kanilang pamilya ay naapektuhan na.

"'Yung tindahan namin na-bankrupt na po siya sa pagtulong. Galit na galit na 'yung mama ko. Wala ka na nga, ganyan-ganyan, dito mo pa kukunin sa tindahan."

Ayon sa komedyante, itinuring niyang pagsubok sa buhay ang nangyari at ipinagdasal na lamang niya ang lahat sa Panginoon.

Saad niya sa kaniyang ina, "Hayaan mo ma, magbubukas ang Panginoon sa atin."

Pagpapatuloy ng komedyante, "Kaya ang ginawa namin nagdasal na lang kami ng buong pamilya, then doon nagbukas 'yung Panginoon sa akin."

Kilalanin ang komedyante rito: