
Masayang chikahan na naman ang hatid ng isang cooking talk show sa GTV nang humarap ang isang That's Entertainment star at batikang aktor na nagpakilig sa mga batang '80s at 90s.
Ngunit bukod sa umaatikabong performances araw-araw, mayroon ding mga umaatikabong relasyon umano ang cast members ng nasabing variety show.
Sa isang segment ng GTV talk show, natameme ang That's Entertainment star at ang kanyang asawa nang tanungin ng host, “Totoo ba na nine girlfriends ang dumaan sa inyo sa That's Entertainment?”
“Hala! Ang bigat [ng tanong]!” komento ng aktor. “Hindi ko alam. Hindi ko naman binibilang.”
Kinalaunan, sumagot ang asawa ng aktor ng “That's a Yes,” habang ang nasabing That's Entertainment star ay sinabing, “Hindi ko kasi alam… Maybe?”
Tila natawa naman ang asawa nito nang tanungin ng host, “Nabilang n'yo po, ibig sabihin alam n'yo 'yung number [kung ilan ang naging girlfriends]?”
Sagot nito, “Yes, pero huwag na nating pangalanan.”
ALAMIN KUNG SINO ANG TINUTUKOY NA THAT'S ENTERTAINMENT STAR SA VIDEO NA ITO: