
May malaking pasabog ang GMA Afternoon Prime legal-drama series na Lilet Matias, Attorney-At-Law sa huling linggo nito.
Napapanood ngayon sa Lilet Matias, Attorney-At-Law sina Rafael Rosell at Janice de Belen, ang gumaganap bilang sina Atty. Alex Romantico at Atty. Clarisse Zamora.
Si Atty. Alex ang abogado ni Renan Alon samantalang si Atty. Clarisse naman ang abogado ni Patricia. Nagtuturuan sina Renan at Patricia kung sino sa kanila ang pumatay kay Atty. Meredith Simmons (Maricel Laxa-Pangilinan).
Bukod kina Rafael at Janice, papasok rin sa Lilet Matias, Attorney-At-Law ang isang Kapuso royalty sa huling linggo nito.
Sino kaya ito? Ano ang magiging papel niya sa buhay ni Lilet? Makakatulong pa siya sa paghahanap ng hustisya ni Lilet o makakasagabal?
Patuloy na tumutok sa nalalapit na pagtatapos ng Lilet Matias, Attorney-At-Law, ang unang legal serye sa Pilipinas, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.