
Palaging tandaan, mga Kapuso, laging mag-ingat!
Binahagi sa GMANetwork.com ng isang sikat na radio DJ ang nakapanlulumong experience niya nang pagnakawan ang lechon manok business niya sa Fairview Commonwealth noong October 2024.
Ang naturang DJ ay walang iba kung hindi si Papa Dudut na host ng high-rating na FM drama program na Barangay Love Stories.
Sa pakikipagkuwentuhan ng award-winning Barangay LS host, marami raw kamalasan ang sinapit ng naturang branch na 'yun ng kanyang lechon manok store.
Lahad niya sa GMANetwork.com, “Nung na-experience ko 'yun, akala ko 'yun na 'yung worst na manakawan ka. Nagdagdag ako ng mga lock. Nagkaroon ng konting paghihigpit ba.
“Pero nitong huli, nabangga naman 'yung branch ko. So 'di ba sabi ko parang pagpapakasal lang 'yan, hindi kami meant to be ng branch na 'yun.
“So, I decided to close the branch. Pero, not because nalulugi na siya. But because, parang it's a sign e. Actually, it's my weakest branch, but dapat ko siya ilagay sa mas maraming makakapunta.”
Payo naman ni Papa Dudut sa mga kapwa niya business owners na kasamaang palad ay nakaranas na manakawan: “Okay lang na umiyak, malungkot. Maglupaypay kayo. Pero at the end of the day, you need to help yourself. So, after n'yo mag-recollect ng konti, dasal kayo sa Diyos, bumangon kayo at gawin n'yo 'yung mga bagay-bagay na sa tingin n'yo ay tama sa inyo, kasi maraming umaasa sa'yo kasi negosyante ka na 'd iba.”
RELATED CONTENT: CELEBRITIES NA NEGOSYANTE