
Madalas makita ang beteranang aktres na ito sa iba't ibang palabas sa telebisyon at pelikula mula nang pumasok siya sa showbiz.
Dahil sa kanyang husay sa pag-arte, nanalo rin siya ng prestihiyosong mga parangal, kabilang ang Filipino Academy of Movie Arts & Sciences (FAMAS) Best Supporting Actress at Best Actress awards.
Ngunit marami ang hindi nakakaalam na may ibang propesyong kinahiligan ang beteranang aktres simula pa noong siya ay nasa kolehiyo.
"Walang nakakaalam ito. 'Yung totoong [nasa puso ko], kung hindi ako artista. Alam mo kung ano ako? Sundalo," inamin niya sa isang panayam online.
Dagdag pa niya, "College ako, WACDU ako. Women Auxiliary Corp Civil Defense Unit."
Matagal nang sanay humawak ng baril ang aktres dahil sa impluwensya ng kanyang ama, na dating guerrilla.
"Kasabay ko nagta-target shooting sa McKinley, mga ROTC. Natatawa nga ako 'pagkatumitira kami ng Garand. 'Yung mga lalaki nagtutumbahan 'pag naka-kneeling position kami. E ako, hindi tumutumba. Paano, may training na ako sa tatay ko," pagbabahagi niya.
Nakakatawa rin para sa aktres na parehong guro ang kanyang mga magulang, kaya't mahalaga sa kanila na makatapos silang magkakapatid ng pag-aaral.
Dahil siya rin ay "gitna sa patay"--kung saan ang nauna at sumunod sa kanyang kapatid ay parehong pumanaw--marami ang may nais na maging doktor siya. Naniniwala silang mayroon siyang "panulak sa kamatayan."
Ngunit sa huli, dinala siya ng tadhana sa mundo ng showbiz sa tulong ng kanyang sister-in-law.
Kuwento niya, "Father niya, stepfather, assistant director. Tinanong ako, 'Gusto mo um-extra?' Ay, para akong nadapang itinulak. Sabi ko, 'Oo. Oo.'"
Simula noon, madalas nang tumatanggap ng proyekto ang beteranang aktres hanggang sa nakakasabay na niya ang ilang sikat na artista.
May hula na kung sino ito? Alamin kung tama ang sagot sa video na ito: