GMA Logo hula who controversial vlogger
What's on TV

HULA WHO: Controversial vlogger, umaming na-in love sa lalaking may asawa

By Jansen Ramos
Published April 10, 2025 1:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Nine Cavs hit double figures during blowout of Pelicans
This show from Seoul features dashing oppas and will debut in Manila
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes

Article Inside Page


Showbiz News

hula who controversial vlogger


Maraming natutunan ang controversial female vlogger mula sa mga pagkakamali niya noon pagdating sa pakikipagrelasyon.

Walang filter ang mga naging pahayag ng isang controversial vlogger nang mag-guest siya sa isang talk show kamakailan.

Nagpakatotoo ang female internet personality tungkol sa mga isyu sa kanyang personal na buhay, lalo na pagdating sa kanyang mga nakarelasyon.

Walang preno niyang sinagot ang mga katanungang may kinalaman sa kanyang love life.

On a scale of one to 10, binigyan niya ng score na 10 ang kanyang sarili sa pagiging baliw sa pag-ibig.

Inamin niyang lapitin siya ng gulo noon dahil may pinagsabay siyang relasyon. Naugnay din siya sa lalaking may asawa na matapos mahulog ang loob niya rito.

Gayunpaman, ina-acknowledge daw niya ang mga pagkakamali niya sa kanyang nakaraan at marami siyang natutunan mula rito. Kung noon ay madali mag-init ang kanyang ulo, ngayon ay ayaw na raw niyang pumatol hangga't maaari alang-alang sa kanyang pamilya.

Sa ngayon, at peace at masaya siya sa piling ng kanyang partner at kanilang anak. May nakatatanda rin siyang anak mula sa dati niyang nobyo.

Kilalanin sa video na ito kung sino ang aming tinutukoy: