GMA Logo Hula Who Veteran actress does not like late costars
What's on TV

Hula Who: Beteranang aktres, kilala sa pagwo-walk out sa set dahil sa late na co-stars?

By Kristine Kang
Published April 12, 2025 12:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

10,000 cops deployed in C. Visayas to secure Christmas celebration
Luis Pablo is finally home — and a champion: ‘Feels good to win it with La Salle’
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Part 2)

Article Inside Page


Showbiz News

Hula Who Veteran actress does not like late costars


Sino kaya itong aktres na umaalis sa set dahil sa mga hindi gumagalang sa kanya at sa call time?

Kilala ang beteranang aktres bilang isa sa mga pinakamahusay sa industriya ng sining noong dekada '70s at '80s.

Dahil sa kanyang husay sa pagganap ng iba't ibang karakter sa mga itinuturing ngayong classic movies, patuloy siyang kinikilala at binibigyang-parangal hanggang sa ngayon.

Ngunit bukod sa kanyang talento sa pag-arte, kilala rin siya sa showbiz bilang isang strikto at disiplinadong artista.

Sa isang panayam online, inamin ng aktres na minsan siyang umaalis o nagwa-walk out sa set dahil sa mga kasamahan niyang sobrang late sa schedule.

"Mga kasama ko sa pelikula 'pag dumadating ng late. Let's say six hours kang late, e magwa-walk out na 'ko," aniya.

"Hihintayin naman kita, e. Pagdating mo, 'tsaka ako aalis para mas masakit," pabirong dagdag niya.

Para sa aktres, dapat daw maging propesyonal ang bawat isa pagdating sa oras.

"I'm trying to make a point because 'yung time ng mga tao para sa akin importante. Whether mababa ang posisyon mo o mataas, it's very important to me to respect that," paliwanag niya.

Bagama't mahigpit, maunawain naman siya kung may makatuwirang dahilan ang pagka-late. Mas gusto rin daw niya na agad ipaalam kung hindi makakarating para maisaayos ang schedule at hindi masayang ang oras ng lahat.

"So I expect the same thing from you that you respect my time. Kasi nilaan ko iyon sa iyo. Pero kung pag aantayin ka nang ganoong katagal, wala nang respeto sa iyo 'yun e," sabi ng aktres.

Ibinahagi rin ng award-winning artist na kahit pa madalas siyang tinitingnang suplada, mahiyain talaga siya sa likod ng kamera, lalo na noong kabataan niya.

Dahil dito, madalas siyang hinuhusga at naging mas maingat sa pagpili ng mga kaibigan.

Sino kaya ang beteranang aktres? Alamin dito: