
Isang diva-singer ang napabalitang nag-inarte raw sa isang event.
Ito ang latest at hottest chika na pinag-usapan sa Salon De Chika sa TiktoClock.
Ayon sa mga tagabigay ng latest chika sa Salon De Chika, "Hindi raw kinaya ng production staff ang pag-iinarte nito sa event nila."
Dugtong pa sa kuwentong ito, "Sa gitna ng paghahanda nila for their event, bigla na lang daw nag-breakdown nang malala si diva-singer."
Base sa reenactment ng Salon De Chika, nag-ugat ang mga pangyayari dahil sa pagkaiwan niya ng kanyang panloob na susuotin.
Kuwento pa sa latest chika, "Naiwan lang daw ni diva-singer ang bralala sa hotel niya."
Para sa clue kay diva-singer, "Sa pangalan niya ay may letrang T, as in tarantang singer."
Hulaan kung sino siya dito:
Abangan ang iba pang mga chika sa Salon De Chika sa TiktoClock. Patuloy rin na subaybayan ang happy time at bigayan ng blessings sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 am sa GMA Network.