
Kuwento tungkol sa cutie actress at poging actor ang bagong huhulaan sa Hula Who.
Ang tungkol sa magka-loveteam na cutie actress at poging actor ay mula latest at hottest chika na pinagusapan sa Salon De Chika sa TiktoClock. Ayon sa Salon De Chika segment, "May cutie actress, ang chismis, weakness daw nito ang kaniyang poging co-star."
Dugtong pa sa kuwentong ito ay laging late si poging actor.
"Si poging co-star, madalas daw late sa set. Tapos kapag nade-delay sa taping naiinis si cutie actress na laging "early bird catches the worm." Pero 'pag nandiyan na raw si poging co-star, ganito na ang eksena."
Ipinakita sa skit na tila natutunaw si cutie actress sa kaniyang ka-loveteam na poging actor.
"Just like that nawala na raw ang galit ni cutie actress kasi nagpa-cute na sa kaniya si poging co-star."
Dalawa ang clue para sa latest kuwento sa Salon De Chika, "Ang pangalan nila parehas na may letter L. As in loveteam, sila raw ang aabangang loveteam ngayon."
Hulaan sina cutie actress at poging actor dito:
Abangan ang iba pang mga chika sa Salon De Chika sa TiktoClock. Patuloy rin na subaybayan ang happy time at bigayan ng blessings sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 am sa GMA Network at sa Kapuso Stream.