
Isang seasoned actress ang nahuli raw na para bang nagtatago sa isang mall.
Ito ang latest at hottest chika ng Salon De Chika sa TiktoClock. Ayon sa Salon De Chika segment, "May kilala akong isang seasoned actress. Ang chismis, namataan daw ito sa isang mall na para bang may pinagtataguan. Bakit kaya?"
Dugtong pa si chikang ito, "Mainit ang pangalan ngayon ni seasoned actress na 'to."
Base naman sa skit ng Salon De Chika, nakita daw na namimili ang seasoned actress na naka-wig at parang nagtatago. Agad-agad daw itong um-exit nang mapansin niyang pinagtitinginan na siya.
Saad pa sa blind item, "Mabilis daw um-exit si seasoned actress. Para siyang nagtatagu-taguan kasi nakilala siya."
Para sa clue, "Ang pangalan niya ay may letrang N. As in nabuking ang kaniyang identity."
Dugtong pa sa clue, "Pinag-uusapan siya ngayon."
Kilalanin si seasoned actress dito:
Abangan ang iba pang mga chika sa Salon De Chika sa TiktoClock. Patuloy rin na subaybayan ang happy time at bigayan ng blessings sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 am sa GMA.