
Shocking ang naging rebelasyon ng isang magaling na comedienne at podcaster sa isang naging bisita niya na celebrity na nagwala sa kanyang bahay!
Kuwento ni Chariz Solomon sa episode ng Your Honor, nakakagulat daw ang experience niya sa isang baguhang artista.
“Tumawag siya ng umaga, hindi ko nasagot kasi pine-prep ko 'yung anak ko for school. Tapos sabi ko, tatawagan kita mamaya, text mo kung ano kailangan mo,” lahad nito sa YouLOL Originals vodcast.
“Hindi kami close ah, bago lang siya dun sa show. 'Tapos, maya-maya nag-text ako, 'Oh, Kumusta ka na?'”
“Tumawag, sabay sabi, 'Hello, andiyan na papunta ako. Nasa bahay ka ba?'" umiiyak na sinabi ng baguhang aktor.
Napa-'Hala' na lang si Chariz. Sumundo na kuwento ng Bubble Gang comedienne, “Hindi kami close, pero like always nakikita ko siya sa mga events, lagi siyang lasing, tapos umiiyak kasi nag-away sila, ganun lagi. Pero beyond that, wala kami relationship whatsoever.”
Umabot daw ng dinner time ang naturang artista sa bahay niya at nakaubos pa raw ito ng dalawang bote ng wine. Pero nag-request daw ito ng tequila kay Chariz kaya nagdecide ang Sparkle comedienne na dapat kumain ito bago sila uminom pa ulit.
Kaso, mas lalong lumala ang ugali ng aktor matapos maka-inom ng tequila.
“Sige, kumain ka, bibigyan kita ng tequila. Kumain siya, nag-tequila kami. Hala, konti pa lang naiinom namin, hala wala na talaga, nagbabato na ng cellphone, tapos 'yung anak ko bini-video niya. Nagwawala, nagbabato ng phone, sabi ko, 'Tigilan mo yan! Kasi nandito 'yung anak ko, huwag ka ganyan.'"
Mahulaan n'yo kaya ang 'Hula Who' ni Chariz sa Your Honor?
Balikan ang full video kasama ang resource person nila na si Baus Rufo sa video below:
RELATED CONTENT: CHARIZ SOLOMON'S STELLAR CAREER